Preppy

Ang preppy, preppie o prep (ang lahat ay pinaikling salitang Ingles na preparatory o sa Tagalog, "pansimula") ay tumutukoy sa isang subkultura (o bahagi ng kalinangan) sa Estados Unidos na may kaugnayan sa mga lumang pribadong paaralan sa Hilagang-silanganing Estados Unidos na ihanda ang mga mag-aaral sa pamantasan. Ginagamit ang katawagan sa isang tao na nakikita ang katangian ng isang mag-aaral o alumnus (nagtapos) ng mga ganoong paaralan.[1] Naging isang pangkaraniwang salita ang prep sa Estados Unidos at malawak na pinalitan ang preppy sa makabagong gamit. Kabilang sa mga katangian ng mga prep sa nakaraan ang isang partikular na subkulturang pananalita, bokabularyo, pananamit, kagawian, etiketa na sumasalamin sa isang mataas na uri (upper-class) na kinalakihan.[2]

  1. "preppy". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 19, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Colman, David (17 Hunyo 2009). "The All-American Back From Japan". The New York Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search